ISKOLAR NG BAYAN SCHOLARSHIP PROGRAM SA CAVITE CITY

Hindi matawaran ang ngiti ng ating mga magulang at mga lolo at lola nang makatanggap sila ng ating educational assistance para sa kanilang mga anak at apo na nag-aaral sa mga pampublikong paaralan. Tumanggap ng tig-dalawang libong piso bawat isa ang grades 1-8 at tig-tatlong libong piso bawat isa naman ang grades 9-12.

Nakakatuwang malaman na ang inyong lingkod ay nakakatulong sa ating mga Iskolar ng Bayan sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral at umasa kayo na kasama niyo ako para makatapos sa pag-aaral ang mga estudyante sa Lungsod ng Cavite.

Ang programang ito ay handog ng inyong lingkod Cong. Jolo Revilla kasama sila Senator Ramon Bong Revilla, Jr. at Agimat Partylist. Paalala lamang na gamitin sa tamang pagkakagastusan ang ayuda na aming inihahatid sa inyo. Kitakits ulit bukas Cavite City!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *