Tumanggap ng
P100,000 at grocery
package mula sa pamahalaang si Bb. Virgina
Meris na nagdiwang ng
kanyang ika-100 kaarawan noong Martes, Disyembre 19.
Mismong sina City
Administrator Tito Monzon, OSCA (Office of the
Senior Citizens Affairs)
Officer-in-charge Luzviminda Elbinias, at IMUSCAI (Imus Senior Citizen
Association Incorporated) President Aida Montemayor ang nag-abot
ng centenarian gift para
sa kanilang kababayan.
Isa si Nanay Virginia sa mga natatanging
Imuseño na buong pusong nagsilbi sa kanilang lungsod.
Nakapagtapos siya
ng kursong Education
sa Far Eastern University at kasalukuyang
naninirahan sa Barangay Tanzang Luma 1. |
via City Government of
Imus