Imus LGU, nakakuha ng High Functional at Functional Rating sa 2022 Performance Audit

Pormal nang iginawad sa Pamahalaang Lungsod ng Imus ang dalawang Plaque of Recognition nitong Martes, Hulyo 16, 2024, sa Lungsod ng General Trias para sa High Functional at Functional ratings na nakuha nito sa 2022 Performance Audit na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite.

Nakatanggap ng 100% o Functional rating ang lungsod sa 2022 Peace and Order Council Performance Audit at 85 points o High Functional rating sa 2022 Anti-Drug Abuse Council Performance Audit.

Kabilang ang mga ito sa mga batayan upang makatanggap ng Seal of Good Local Governance.

#AAngatAngImus

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *