Pinirmahan ng City Government sa pangunguna ni Mayor Denver Chua, Vice Mayor Raleigh Rusit at ng mga representatives ng Pipol Broadbang na sina Raphael Episioco at Jay Andrew Borcelas ang isang memorandum of agreement na nagtatakda sa implementasyon ng free public wi-fi sa buong Cavite City.
Kabilang ang mga sumusunod na lugar na sakop ng Free Public Wifi:
City Auditorium
Samonte Park Fountain Area
Samonte Park Don’s Clock
Muralla
Unlad Pier
Kabilang rin ang mga public schools dito tulad ng:
Dalahican Elementary School
Sta. Cruz Elementary School
Ladislao Diwa Elementary School
Manuel Rojas Elementary School
Julian Felipe Elementary School
Susunod pa ang ibang mga public areas at public schools sa implementation ng free public wi-fi sa buong lungsod.
Isa nanaman itong milestone sa modernisasyon ng ating lungsod!
