“ILOG NATIN , AALAGAAN PARA SA KINABUKASAN”

Nakiisa ang lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng World Environment Day at Philippine Environment Day sa pagsasagawa ng river cleanup sa Imus River na dumadaloy sa Ragatan, Brgy. Anabu 1-G nitong Lunes, Hunyo 5, 2023.

Nilahukan ito ng Imus City Environment and Natural Resources Office (CENRO), Provincial ENRO, Environmental Management Bureau, at mga pribadong kumpanya na kinabibilangan ng Maynilad, Waltermart, at Dalebo Construction.

Kada taon, ginugunita ang World Environment Day upang paalalahanan ang publiko sa mga suliranin at krisis na kinakaharap nito kaugnay ng kalikasan at kapaligiran. Idineklara naman bilang Philippine Environment Month ang buwan ng Hunyo sa bisa ng Presidential Proclamation No. 237 taong 1988.

Maging kaisa sa “No to Waste: Advancing Circular Economy to #BeatPlasticPollution!” (Photos by: Imus CIO/ Imus City Tourism, City Government of Imus)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *