ILLEGAL NA DROGA BINEBENTA  SA ONLINE

Nasa mahigit sa  P121K halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat sa Isang online seller matapos na naaresto ang apat na hinihinalang  mga drug pusher na nasa listahan ng High Value Individual (HVI) sa isinagawang buy bust operation sa Brgy Molino 3 Bacoor City.

Sa report ,Kinilala ang mga suspek na si  Jan Rolando Carlos, alias Janno;   Lamberto Angeles;  Vincent Pateño at  Macky Natividad, kapwa nasa hustong gulang.

Ayon Kay PCpl  Jerome Asid ng Bacoor CPS dakong alas-8:00  ng umaga nang nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor CPS sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakuha sa kanila ang 725 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana  na may street value na P121,000, buy bust money, weighing scale, P400 cash at isang yunit na motorsiklo na Honda.

Napag alaman na  pangunahing suspek si Carlos na nagbebenta rin siya online at umanoy binabayaran sa pamamagitsn ng GCash bago nito ideliver sa kanyang.mga parokyano.

Nahaharap sa kasong paglabag sa  Sec 5, 26 at 11 Art II ng RA 9165 ang mga nadakip  suspek. (MARGIE

BAUTISTA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *