HOA Summit Orientation ng IRR 2024-18 (Revised IRR of RA 9904)

Ang programang ito ay mahalaga upang higit pang mapalakas ang ating mga homeowners association sa pamamagitan ng tamang kaalaman at gabay hinggil sa Revised IRR ng RA 9904.

Tinalakay dito ang mga pagbabago para maging mas maayos at malinaw ang mga proseso ng registration, pagiging qualified officer o miyembro, mga patakaran sa eleksyon, at mga mekanismo para sa dispute resolution.

Kasama rin ang pag-update ng mga alituntunin sa dues, assessments, at collections, pati na rin ang mga panuntunan ukol sa penalties para sa mga hindi susunod.

Taos-puso po ang aking pasasalamat sa FEDHOPE TRECE sa pangunguna ni Pres. Rio Genodia, sa DHSUD, at sa lahat ng nakiisa sa mahalagang orientation na ito.

Patuloy ninyong maaasahan ang suporta ng Pamahalaang Lungsod para sa mas maayos, mas ligtas, at mas organisadong Lungsod ng Trece Martires.

Be blessed,

Be a blessing!

Bagong Trece,

Puso ng Cavite,

Lungsod ng Pag Asa!

#GGBL

#GoodGovernanceforBetterLife

❤️MGBL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *