Ginanap kaninang umaga ang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Rosario, Cavite. Pinangunahan ito ni Mayor Jose Voltaire Ricafrente, Vice Mayor Bamm Gonzales, at mga konsehal ng bayan.
Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Mayor Voltaire ang lahat na sumunod sa mga alituntunin at batas na ipinatutupad sa ating bayan. Isa na dito ang pagsusuot ng helmet para sa mga nagmomotorsiklo. Pinaalalahanan nya din ang lahat na simula ngayong araw ay magkakaroon ng mga check-point sa ibaโt ibang lugar sa ating bayan upang masigurado ang kaayusan at kaligtasan ng lahat.
Dumalo din ang iba’t ibang opisina kasama ang DILG, PNP, BFP, DepEd, at mga Punong Barangay.