2 magulang ng mga mag-aaral na Persons With Disability (PWD) mula sa CARER ng Persons With Disability Affairs Office (PDAO) ang isinagawang Nanay Ko, Tatay Ko Program ng pamahalaang lungsod noong Linggo, Setyembre 3.
Layon ng ‘Nanay Ko, Tatay Ko’ Program na magabayan ang mga magulang ng mga PWD learner sa kanilang pag-aaral bilang paghahanda para sa muling pagbubukas ng mga paaralan para sa S.Y. 2023-2024.
Kabilang sa mga tinalakay ang mga detalye ukol sa transportation service para sa mga PWD learner, maging ang commitment ng mga magulang na tulungan silang makapagpatuloy sa pag-aaral.
Namahagi naman ang pamahalaang lungsod ng mga libreng bag na maaaring gamitin ng mga PWD learner sa kanilang pagpasok sa eskwelahan.
