I sang napa kagandang proyektoI ng BFP Ba- coor City ang opisyal nang binuksan sa publiko noong May 2,2023 ito ay ang FIRE AND RESCUE VILLAGE na matatagpuan sa Springville Annex 2, Brgy Molino 4,Bacoor City. Pinangunahan ni Bacoor City Fire Marshal CINSP ALMA CASSANDRA GARDOSE ang Inaugurations at Ribbon Cutting Ceremony kasabay nito ang Signing of Deeds of Usufract sa ilalim ng administrasyon ni Bacoor City Mayor Strike Revilla at nang buong City Council nang lungsod ng Bacoor City sa pamumuno ni Vice Mayor Rowena B. Mendiola,Kasama ang buong Barangay Official ng Molino 4. Ito ang kauna-unahang Inter-active Village design sa bansa para sa mga kabataan upang mabuksan ang kanilang kamalayan sa pag-iwas sa mapaminsalang-apoy. Ang layunin ng Fire and Rescue Village ay mabigyan ng wastong kaalaman ang mga kabataan at maging handa sila kung ano ang kanilang dapat gawin sa oras ng sunog,sakuna at kalamidad. Dumalo si Sec.DILG Hon.Benjamin Abalos Jr bilang Guest of Speaker,Humanga siya sa ipinakitang kahusayan ni Bacoor City Fire Marshal CInsp Alma Cassandra Gardose sa proyekto nito,kasama rin sina Fire Chief Director LOUIE SURALTA PURACAN, CEO VI,Ang mahusay na Regional Fire Director, BFP Region 4A, FCSUPT JAIME DOLLENTE RAMIREZ, DSC at ang masipag na Provincial Fire Marshal ng BFP Cavite, SUPT ARIEL C AVILLA at ang mga magigiting at magagalin na City at Municipal Fire Marshal nang buong Cavite sa nasabing programa.