EDUCATIONAL ASSISTANCE PARA SA MGA KABATAANG IMUSEÑO!

Sa pagbisita po ni Senator Imee R. Marcos sa Lungsod ng Imus, sinamahan ni Cong. Adrian Jay Advincula at Mayor Alex AA Advincula sa pagbibigay ng educational assistance sa mga mag-aaral ng Cavite State University – Imus Campus.

Dalawang libong (2,000) Kabataang Imuseño po ang nabahagian ng 5,000 pesos na tulong pinansyal mula sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD.

Bukod sa pinansyal na ayuda, nagdala rin po ang opisina ni Sen. Imee ng mga computer package para makatulong sa operasyon ng unibersidad.

Mula po sa bawat Imuseño, Maraming salamat at Mabuhay po kayo, Sen. Imee! /via Adrian Jay “AJ” Advincula.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *