Patay ang dalawang lalaki matapos gilitan ng hindi pa
nakikilalang suspek sa lungsod ng Imus, Cavite nitong
nagdaang Lunes ng gabi.
Nahuli-cam pa sa CCTV
ang pagdating at pag-alis ng
suspek sakay ng kaniyang
motorsiklo sa lugar na kinaroroonan ng dalawang biktima.
Ayon sa ulat, naka-tambay lamang ang dalawang
biktima sa harap ng bahay
nang undayan sila ng saksak
at gilitan ng suspek.
Nakatakbo pa sa loob ng
bahay ang isa sa mga biktima
batay sa nakalap na litrato ng
mga awtoridad.
Isinugod ang dalawa
sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ang isa
sa kanila habang binawian
naman ng buhay ang isa pa
nitong Biyernes ng madalinv
araw.
Nagpapatuloy naman
ang imbestigasyon ng awtoridad habang patuloy pang
pinaghahanap ang suspek