CONG JOLO REVILLA BINIGYAN NG AYUDA ANGMGA BIKTIMA NG SUNOG SA CAVITE CITY

CAVITE CITY — Aabot sa 700 pamilya ang kabuuang bilang ng mga nasunugan sa Brgy. 22, Cavite sa mas kilala na Quadra na tinulungan ng kinatawan ng Unang Distrito ng Lalawigan ng Cavite Congressman Jolo Revilla at iba pang opisyales ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Denver Chua.

Ang bawat pamilya ay nakatanggap ng tig-sampung libong piso para sa panimula ng kanilang paghahanda sa muling pagbalik sa kanilang tinitirhan.

Sa kasalukuyan ay nakahimpil ang mga biktima sa Ladislao Diwa Elementary School bilang evacuation center.

“Sa lahat ng trahedya, ang masunugan na talaga marahil ang pinakamahirap na maranasan ng ating mga kababayan. Pero bilang kanilang Congressman at bilang kapwa Caviteรฑo, hindi natin para pabayaan ang mga kababayan natin, kasama niyo ako hanggang sa inyong muling pagbangon at pagbalik sa normal na buhay” banggit ni Cong Jolo Revilla.

“Laging nakaagapay ang inyong lingkod sa ating mga kababayang Caviteรฑo lalo na sa panahon ng trahedya. Ang pagtutulungan ng National Government at Lokal na Pamahalaan ay susi sa agarang recovery ng ating mga kababayan. Wala tayong oras na dapat sayangin, agad tayong nagtungo dito para makapaghatid ng tulong pinansiyal para sa kanilang mga kinakailangang gastusin sa araw-araw” dagdag ng Kongresista .

Tinatayang aabot lamang sa 15 araw ang itatagal ng mga evacuees sa eskwelahan. “Gagawin natin ang lahat para mapabilis ang pagbalik sa kanilang mga dating tinitirhan ang mga biktima ng sunog. Sisiguraduhin nating kagyat nating ibibigay ang kanilang mga pangangailangan para hindi na sila tumagal sa evacuation center dahil napakahirap ang kalagayan na manirahan sa hindi mo bahay, kaya naman maagap nating inayos ang ating maitutulong para sa kanilang mabilis na recovery” Ayon naman kay Cong Jolo Revilla.

Dagdag ni Cong Jolo, hindi pa dito matatapos ang pagtulong nila sa mga nasunugan. Magpapatuloy ang mga paghahatid ng ayuda at mga programa hanggang sa makabalik ang mga biktima sa kanilang mga bahay sa dati nilang kinatitirikan. (MARGIE BAUTISTA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Have Missed!

3 Minutes
National News Provincial News
Experience Adrenaline-Fueled Activities in Cavite with MPT South
1 Minute
Provincial News
๐๐š๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐š ๐ฉ๐š๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐ค๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ญ๐š, ๐ฌ๐ž๐ง๐ญ๐ซ๐จ ๐ฌ๐š ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐‚๐ก๐ข๐ฅ๐๐ซ๐ž๐ง ๐€๐๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐ง๐  ๐ˆ๐ฆ๐ฎ๐ฌ ๐‹๐†๐”
1 Minute
National News
๐๐๐๐Œ ๐ฌ๐ข๐ ๐ง๐ฌ ๐ฅ๐š๐ฐ๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐›๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐  ๐ž๐ฏ๐š๐œ๐ฎ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ๐ฌ, ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ ๐ฅ๐จ๐š๐ง ๐ฉ๐š๐ฒ๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐ฆ๐จ๐ซ๐š๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ฎ๐ฆ
0 Minutes
Provincial News
๐—™๐—œ๐—ฅ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก ๐—–๐—”๐—ฉ๐—œ๐—ง๐—˜ โ€“ ๐—œ๐— ๐—จ๐—ฆ ๐—ง๐—ข ๐—ก๐—”๐—œ๐—” ๐—ฃ๐Ÿฎ๐—ฃ ๐—•๐—จ๐—ฆ ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜