Nagsagawa ang RBA ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) Activity sa ilalim ng programang Community Assistance and Responsive Engagement Gift Giving Activity, kung saan 200 indigent beneficiaries mula sa sector ng PDAO ang tumanggap ng tig-5 kilo ng bigas at isang timba ng grocery items.
Kasabay din nito, ang ASA Philippines Foundation ay nagkaloob ng 13 trash bins bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa environmental sustainability at community development. Layunin nitong makatulong sa pagpapanatili ng malinis at maayos na kapaligiran at hikayatin ang responsableng pamamahala ng basura sa ating lungsod.
Nakasama natin sa programang ito sina Vice Mayor Bobby Montehermoso, City Councilor Poyi Buendia, City Councilor Jay Em Cunanan, at Liga ng mga Barangay President Abet Montehermoso.
Ang ganitong mga gawain ay patunay na sa tulong ng mga katuwang nating institusyon, mas napapalawak natin ang serbisyong may puso at malasakit para sa bawat Treceรฑo.
Muli, isang taos-pusong pasasalamat sa Rural Bank of Angeles (RBA) – Trece Martires City Branch at ASA Philippines Foundation, sa kanilang mga makabuluhang inisyatiba na ibinaba sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Trece Martires.
Be blessed,
Be a blessing!
Bagong Trece,
Puso ng Cavite,
Lungsod ng Pag Asa!
MGB
