Ayon kay Mayor Dahlia Loyola, “Lubos ko pong ikinagagalak na tayo ay ginawaran for the 7th consecutive time bilang PASSER ng 2023 SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE ng DILG. Isa po tayo sa tatlong (3) awardees mula sa CALABARZON na ginawaran bilang 7-time Passer.
Marami pong salamat sa lahat ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Carmona na nagbigay ng kanilang buong puso para makamtan ang pagkilalang ito. Congratulations po sa ating lahat! Ito po ang patunay ng ating dekalidad na serbisyo publiko kung saan Bayan Muna Lagi at Dapat Angat Lahat.(via Dr. Dahlia Loyola)