CAVITE GOVERNOR KASAMA ANG ATOCC OFFICERS AT MGA LGU AWARDEES NG PARADA NG KALAYAAN 2025

Noong Agosto 4, 2025, ginawaran ng pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite sa pangunguna ni Governor Abeng Remulla ang mga lokal na pamahalaan ng Cavite City, Kawit, at Imus dahil sa matagumpay na pakikilahok ng mga ito sa Parada ng Kalayaan 2025 na ginanap sa Quirino Grandstand noong Hunyo 12.

Samantala, nag-courtesy call sa tanggapan ng gobernador ang mga opisyal ng Association of Tourism Officers and Coordinators of Cavite (ATOCC) sa pangunguna ni Bacoor City Tourism Officer at ATOCC President Edwin Guinto.

Ipinahayag ni Governor Remulla ang kanyang buong suporta sa mga programa ng ATOCC na nakatuon sa pagpapaunlad ng turismo at kultura sa buong lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *