CALAMBA CITY. Ipinagdiwang nang Pamahalaang Lungsod ng Calamba ang ika-22 taon ng pagkakatatag ng siyudad sa pangunguna ni Kgg. Roseller H. Rizal-Punong-Lungsod, Kgg. Angelito Lazaro-Pang. Punong-Lungsod kasama ang mga konsehales ng lokal na pamahalaan at mga kawani gayundin ang iba’t-ibang sektor ng lipunan.
Sinimulan ang programa sa isang banal na misa ni Rev. Fr. Alex Pontilla.
Sa maikling mensahe ni VM Lazaro, ginunita nito ang ilan taon nabalot sa kadiliman at hinagpis ang siyudad maging ang buong mundo dulot ng pandemya, subalit labis ang kanyang pasasalamat at napagtagumpayan ito ng mga mamamayan ng Calamba at nalampasan ang nakagigimbal na trahedya. Sa sama-samang panalangin at walang patid na paghahatid ng mga ayuda, naibsan ang pangamba ng bawat pamilya. Iisa lang naman daw ang adhikain ng bawat isa, ang malampasan ang krisis at manatiling malusog ang pangangatawan ng mamamayan.
Nagbigay naman ng isang inspirasyon sa lahat ang mensahe ng Punong-Lungsod, Ross Rizal na ang tunay na pag-alala sa kasarinlan ng lungsod ay ang “Paglingon at Pasasalamat”, kaakibat ang 22 taon ng pagkakatatag ng lungsod ng Calamba. Maraming naganap na pagbabago at pag-unlad kung saan kasama sa pag-angat ang mga mamamayan. Bago nito, nagkaroo muna ng Ceremonial Signing of Tax Relief Ordinance.
Iba’t-ibang parangal at pagkilala ang natanggap ng lungsod kabalikat ang mga kawani ng pamahalaang lokal. Maging ang bansang Heidelberg, Germany ay kumilala sa kasarinlan ng lungsod nang ipatala nila sa kanilang Golden Book ang lagda ni dating Mayor at Congressman Jun Chipeco at maging sister city ang Calamba. Magugunita na si Chipeco ang Ama ng Pagkakatatag ng Cityhood ng Calamba.
Ibinida naman ni Rizal ang pangunahing programa ng kanyang pamamahala, kung saan numero uno ang social services laluna ang tulong pangkalusugan.
Idinagdag rin niya ang mga upcoming projects tulad ng Diagnostic center/dialysis center, paglilipat ng Calamba City College sa Regional Government Center na matatagpuan sa Brgy. Mapagong, ang nalalapit na pagbubukas ng Jose P. Rizal Coliseum, command center upgrading, PWD Birthday gifts at financial assistance for Solo-Parents.
Bago matapos ang programa, pinasinayaan naman ang gusali ng evacuation center sa Brgy. Baรฑadero.(Photo/caption:Marra Villegas)