BUS NA SINAKYAN NG MGAESTUDYANTE SA FIELD TRIP NASUNOG

Isang tourist bus na sinakyan ng mga estudyante na nag educational trip ang nasunog at masuwerteng
walang nasugatan sa
mga sakay nito nang
nagtungo sa Tagaytay
City, Cavite.
Mismong si
Tagaytay City Mayor Abraham โ€œBambolโ€ Tolentino ang
maagap na dumating
sa pinangyarihan ng
insidente ang umalalay sa mga estudyante ng Sacred Heart
Academy, Sta Maria
Bulacan.
Sa ulat ni PMSG
Darwin Q Jaime ng
Tagaytay CPS dakong
alas-10:00 ng umaga nang naganap ang
insidente kung saan
minamaneho ni Ryan
Costales y Layderos,
31, ang isang Daewoo
Tourist Bus na may
plakang NDE 1433
habang binabagtas
ang kahabaan ng
Tagaytay-Calamba
Road, sakay ang mga
estudyante ng Sacred
Heart Academy patungo sana sa Peoples
Park subalit pagsapit
sa isang matirik at
kurbadang bahagi ng kalsada Brgy
Iruhin East, Tagaytay
City ng umanoโ€™y nakaramdam ang driver
ng pagpalya sa makina hanggang sa napansin ang usok na
nagmula sa likurang
bahagi ng sasakyan
kaya itinigil nito
hanggang sa may napansin nang apoy.
Subalit bago tuluyang nasunog ang
sasakyan, maayos na
nakababa lahat ng
mga estudyante na

pasahero nito.
Mabilis namang
nagresponde ang
Tagaytay City Bureau
of Fire Protection
(BFP) kung saan dakong alas-10:40 nang
ideklarang fire-out ni
FO1 Carl Michael Imperial.
Mabilis na dumating si Tagaytay City
Mayor Tolentino sa lugar at sinamahan ang
mga estudyante sa
Tagaytay Picnic Grove
kung saan pinakain
at pansamantalang
magpahinga.MARGIE BAUTISTA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You May Have Missed!

1 Minute
Provincial News
๐—ข๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ ๐——๐—ข๐—ฆ๐—ง ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฅ๐—ญ๐—ข๐—ก ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ข๐—ก๐—”๐—Ÿ ๐—ฆ๐—–๐—œ๐—˜๐—ก๐—–๐—˜, ๐—ง๐—˜๐—–๐—›๐—ก๐—ข๐—Ÿ๐—ข๐—š๐—ฌ, ๐—”๐—ก๐—— ๐—œ๐—ก๐—ก๐—ข๐—ฉ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ช๐—˜๐—˜๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—ข๐—™ ๐—–๐—”๐—ฅ๐— ๐—ข๐—ก๐—”
1 Minute
Provincial News
Distribution of Subsistence Assistance Blessed Program for Indigent Senior Citizens
1 Minute
Provincial News
๐’๐ˆ๐‹๐† ๐‘๐ž๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ฅ๐š ๐ก๐š๐ง๐๐ฌ ๐จ๐ฏ๐ž๐ซ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐ฅ๐ž๐š๐๐ž๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐ญ๐จ ๐‚๐š๐ฏ๐ข๐ญ๐ž ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐จ๐ซ ๐“๐จ๐ฅ๐ž๐ง๐ญ๐ข๐ง๐จ
1 Minute
Provincial News
๐Ž๐๐€ ๐ˆ๐ง๐ญ๐ซ๐จ๐๐ฎ๐œ๐ž๐ฌ ๐’๐ฎ๐ฌ๐ญ๐š๐ข๐ง๐š๐›๐ฅ๐ž ๐‘๐ข๐œ๐ž ๐…๐š๐ซ๐ฆ๐ข๐ง๐  ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐–๐จ๐จ๐ ๐•๐ข๐ง๐ž๐ ๐š๐ซ ๐ข๐ง ๐๐š๐ข๐œ, ๐‚๐š๐ฏ๐ข๐ญ๐ž