Kuha ang mga larawang ito sa eksaktong lugar/creek sa Villa de Calamba, Brgy. Lamesa, Calamba
City kung saan nalunod sina Jhune Rey Molobocco taga Brgy. Halang at Saturnino Murcia taga Brgy.
Lecheria noong Sabado ng hapon June 3, 2023, na kapwa mga estudyante ng Halang Elem School. Napakalalim ng creek na iyan kung saan tinatayang nasa 30
talampakan. Sa mga nagnanais po mag-abot ng tulong, mangyari pong makipag ugnayan sa kanilang mga magulang o dalawin ang kanilang mga labi sa Barrera,Manggahan( riles) Brgy. Lecheria.
Maraming salamat sa ipinakitang kabayanihan at pagganap sa tungkulin ng Bfp Calamba FS Laguna sa pangunguna ni SFO4 Cristina Foronda, SFO3 Rodolfo de Guzman Jr., FO3 Erwin Quiaoan, FO2 Jayson Mel Abel, FO2 Jeffrey Becarme, FO1 Pol Ian Equia, FO1 Mark Jayson Moratalla, FO1 Rey Mark Llegado, FO1
Ma. Cecilia Maaño, FO1 Monique Alvarado, FO1 Harvey Klein Manuel, FO1 Mark Lauren Manaig, FO1 Andrea Kate Redondo, FO1 Allan Alarve, PNP Calamba
PSSg Jhon Kevin Villarino, PMSg Gerald Macatangay, POSO at BPSO sa isinagawang search & retrieval sa bangkay ng mga bata.
Isang mahigpit na yakap at pakikiramay sa pamilya ng mga naulila.(MARRA VILLEGAS)