Timbong ang tatlong mangingisda matapos
mahuli ng mga awtoridad na gumagamit ng
mga pampasabog upang
makapangisda sa laot
ng Tanza, Cavite.
Nasabat ng mga operatiba ng Special Operations Unit ng PNP Maritime Group ang mga
suspek sa bahagi ng
Manila Bay na sakop ng
bayan ng Tanza, nakita
sa kanilang bangka ang
11 balde ng mga isdang
lasog-lasog na.
Bukod rito, nakita
rin sa compartment ng
kanilang bangka ang 18
bote ng improvised explosives na ginamit sa illegal fishing operations.
Haharap sa kasong
paglabag sa Section 126
ng Republic Act 10654
o possessing, dealing
in, or disposing illegally
caught or taken fish ang
tatlong mangingisda