900 na mag-aaral sa Lungsod ng Imus ang atin pong nabigyan ng tulong sa ilalim ng Binhing Advincula Educational Assistance Program na ginanap kahapon, sa Function Hall ng New Imus City Government Center.
Layunin po ng programang ito na makatulong sa ating mga estudyanteng Imuseño sa pamamagitan ng pinansyal na suporta na maaaring magamit bilang pandagdag sa matrikula at panggastos sa mga kinakailangan sa kanilang pag-aaral.
Atin pong pinalalawak at pinagtitibay ang ganitong programa upang higit pang maraming kabataang Imuseño ang mabigyan ng pagkakataon na maabot ang kanilang mga pangarap.
