Isang makulay at masaganang Brigada Eskwela na may temang “Bayanihan para sa Matatag na Paaralan” ang naganap sa Ciudad De Strike Integrated School ngayong araw, August 10, 2023.
Kasama ang mahigit 250 volunteers, ang isinagawang clean-up drive, pagtatanim, at pag-aayos ng mga silid-aralan ay pinangunahan ni Congresswoman Lani Mercado Revilla, Ms. Khei Sanchez sa ngalan ni Mayor Strike B. Revilla, Councilor Alde Pagulayan, Councilor Rey Palabrica, OIC – Schools Division Superintendent Dr. Babylyn M. Pambid, OIC – Assistant Schools Division Superintendent Dr. Venus T. Balmedina, ang tagapagtatag ng Hope in Me Club na si Dr. Tina Alberto, gayundin sina Barangay Captain Alfie Gawaran, Barangay Captain Jeo Dominguez, at ang bumubuo ng kanilang sanggunian.
Ang inisyatibong ito ay nagpapakita ng pagkakaisa ng bawat mamamayan na siyang sumisimbolo sa pagmamalasakit ng mga ito sa edukasyon ng mga kabataang Bacooreño.(City Government of Bacoor)