Matataas na kalibre ng Droga ang narekober sa sampling (10) hinihi- nalang tulak ang naares- to sa isinagawang buy bust operation sa Bacoor City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5, 26 at 11 Art II ng RA 9165 ang mga suspek na sina Werhan Siega, alias Tata; Eddie Tezado, alias Daboy; Raymond Reyes;. Michael Catiin; Charity Pagar;. Darlycel Mohamad alias Joan; Ronald Dela Cruz, alias Allan; Jennifer Cloma; William Gellado at Dulce Delos Reyes, na kapwa nasa listahan ng Street Level Individual (SLI). Sa ulat ni Corporal Jerome Asid ng Bacoor City, Cavite, dakong alas- 12:20 ng madaling araw nang unang nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Bacoor City Police Sta- tion (CPS) sa Brgy Queensrow West Bacoor City, Cavite na nagresul- ta sa pagka aresto nina alias Tata, alias Daboy, Reyes, Catiin at Pagar kung saan nasamsam ang tinatayang limang gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P34,000 at buy bust money. Muling nakatanggap ng tawag ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor CPS na may ika- kasang bentahan ng dro- ga dakong alas-1:30 ng madaling araw sa Brgy San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite na nagre- sulta sa pagkakaaresto nina alias Joan, alias Al- lan, Cloma, Gellado at Delos Reyes at nakuha sa kanila ang tinatayang limang gramo ng hini- hinalang shabu na may street value na P34,000, isang improvised shot- gun at buy bust money. Sa kabuuan, ti- natayang P68,000.00 halaga ng shabu ang nasamsam.(MARGIE BAUTISTA)