Isang lalaki ang nakuhanan ng Baril at Droga sa Isang search warrant na inilaabas na korte sa brgy Batas, Silang, Cavite. Ayon sa report, Kinilala ang suspek na si Ruel Bawalan Y Hayag, nasa hustong ,residente ng nasabing lugar. Batay sa ulat ni PCpl Ralph Jayson Santos ng Silang MPS, dakong alas-11:00 ng gabi nang inihain ng ng Silang PNP ang isang search warrant kay Bawalan na inisyi ni Hon Judge Niven R Canlapan para sa kasong sa RA 9165(Comprehensive Dangerous Drug Act.) Nakuha mula sa.pag iingat nito ang limang gramo ng hinihinalang shabu, isang shotgun na gawa sa Turkey (MAESTRO SILAH SANAYI at 12GA & 3rd Chamber) na may 15 pirasong bala, kalibre 45 Colt MK IV Series 80 na may serial number N603259 at may 23 piraso na bala, Cal .38 Special CTG na may 9 na piraso na bala. Kasalukuyang nasa kostudiya ng Silang Police ang naarestong suspek upang kaharapin ang kasong isasampa laban sa kanya.(MARGIE BAUTISTA)