BANGKAY NG HUBAD NA BABAE AT 8 MILYONG SHABU, NATAGPUAN

Isang bangkay ng hubad na babae ang bumulaga sa mga operatiba ng Cavite Police at tinatayang mahigit sa P8 milyong halaga ng shabu ang natagpuang makaraang rumesponde sa Isang bahay First Park Brgy Tanuan Tanza Cavite. Ayon sa report ng pulisya, Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa babaeng biktima na tinatayang nasa edad na 30-35 anyos na na natagpuang wala ng buhay at walang saplot ang kataean nm na nakahiga sa kanyang kama sa Block 27 Lot 4 Phrist Park Subd., ng nasabing lugar. Napag alaman na dakong alas-10:10 ng gabi nang nakatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa isang bangkay ng babae. Agad naming nagresponde ang pulisya kung saan naabutan ang isang babae na nakahandusay sa ibabaw ng kanyang kama. Sa isinagawang Pag iimbestiga ng pulisya narekober sa kabilang kuwarto ng bahay ang tinatayang 1.2 kilograms ng shabu na may street vale na P8,160,000.00 Kasalukuyang nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang malaman ang naging dahilan ng pagkamatay ng biktima. MARGIE BAUTISTA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *