Magiging mas mabilis na para sa sangay ng Department of Education (DepEd) sa lungsod ng Cavite ang
paghahatid ng dekalidad na edukasyon at iba pang serbisyo sa tulong ng mga bagong I.T. equipment
mula sa lokal na pamahalaan.
Mismong sina Mayor Denver Chua at Vice Mayor Raleigh Rusit
ang naghatid ng mga bagong equipment noong Biyernes, Enero 5.
Ayon kay Chua, umaasa siyang magiging malaki ang tulong nga
mga ito upang mapabilis at maging mas maayos ang mga transaksyon
sa iba’t ibang paaralan sa kanilang lungsod.
Sa kanilang Facebook page naman ipinaabot ng DepEd Cavite
City ang kanilang pasasalamat sa tulong ng lokal na pamahalaan sa
kanilang ahensya. | via Denver Chua, DepEd Tayo Cavite City