Bagong gusali ng Laguna Science Integrated NHS, pinasinayaan sa bayan ng Bay, Laguna

BAY, Laguna – Muling natupad ang pangarap ng mga kabataang mag-aaral nang pasinayaan nina Gobernador Ramil L. Hernandez at Congresswoman Ruth Mariano Hernandez ang bago at kumpletong pasilidad na 3-storey at 12-classroom building ng Laguna Science Integrated National High School (LSINHS) sa Barangay Puypoy ng bayang ito noong ika-20 ng Nobyembre 2023.

Matatandaang taong 2018 ay pinagkalooban din sila ng lupa ng pamahalaang panlalawigan at ngayon naman ay isang bagong gusali naman ang naipatayo. Ang bagong gusali ay naglalarawan ng isang moderno at matibay na pasilidad na simbulo din ng isang matayog ngunit abot-kamay na pangarap.

Hangad ni Gob. Hernandez na matupad ang pangarap ng bawat mag-aaral habang nag-aaral sa isang maayos, maaliwalas at maginhawang pasilidad. Kaya naman nagpapatuloy ang pagpapatayo niya ng mga gusaling tulad nito.

Kasama sa programa sina Provincial Administrator Atty. Dulce Rebanal, DepEd SDS Editha M. Atendido, mga magulang sa hanay ng HR-PTA, Principal na si Dr. Allan G. Hostallero, mga guro, staff at mga mag-aaral ng LSIHS.

(J. Coroza, photo: Jun Sapungan/Laguna PIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *