Isang 27-anyos na babae ang namatay makaaraang mahulog sa sinasakyang motorsiklo hanggang sa magulungan pa ng I bus sa kahabaan ng Daang Amaya 2, Tanza, Cavite. Kinilala naman nag biktima na si Janel Mae y Latag, 27, may live-in partner, dating OFW at residente ng Tramo Road Brgy.Amaya 2, ng nasabing bayan. Nasa kostodiya na ng pulisya ang suspek na si
Mark Escober Catigan, 43, may-asawa ng Junto Del
Mar Munting Mapino, Naic, Cavite, driver ng Yutong
bus na may plakang NBQ 5503.
Ayon sa report ni PSSg Jonathan A Lagario ng
Tanza MPS, dakong alas-9:30 ng umaga nang naganap ang insidente kung saan kapwa binabagtas ng
driver ng Yutong bus at ang motorsiklo na Yamaha
Mio Soul na minamaneho ng di pinangalang driver
nito kung saan nakaangkas ang biktima.
Subalit pagsapit sa lugar pinangyarihan ng insidente nang bigla nalang umanong nabangga ng
driver ng bus ang motorsiklo at tumilapon ang biktima kung saan nagulungan pa ito.
Base sa ilang nakakita nag-overtake umano ang
motorsiklo sa nasabing bus kung kaya ito nabangga.
Patay na ng idating sa pagamutan ang biktima
dahil sa tindi ng mga tinamong sugat sa aksidente.
(MARGIE BAUTISTA)