AYUDA PARA SA KAPOS ANG KITA PROGRAM (AKAP)

Malugod na nagpapasalamat ang samahan ng TODA sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) na pinamumunuan ni 7th District Representative Ping Remulla, mula sa pondo ng DSWD. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong walang sawang suporta at malasakit, na nagbigay ng pag-asa at kaluwagan sa aming 1,000 benepisyaryo.

Maraming salamat din po Board Member Abeng Remulla.

Ang inyong tulong ay malaking bagay sa amin, lalo na sa panahong ito ng pangangailangan. Ang inyong pagkilos at dedikasyon ay tunay na nagbibigay inspirasyon at lakas upang patuloy naming harapin ang mga hamon ng buhay.

Muli, maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtulong at pagmamalasakit sa aming mga mamamayan.

Be blessed,

Be a blessing!

Bagong Trece,

Puso ng Cavite,

Lungsod ng Pag Asa!

#GGBL

#GoodGovernanceforBetterLife

❀️MGBL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *