Ang Pamahalaang Lungsod ng Trece Martires sa pangunguna ni Mayor Gemma Lubigan, katuwang ang DOLE IV-A at PESO Trece Martires City ay matagumpay na namahagi ng livelihood assistance package sa tatlong (3) parent beneficiaries ng child laborer.
Sila ay identified ng DOLE at nabigyan natin pangkabuhayan package tulad ng welding, peanut butter making, at pagtitinda ng frozen goods bilang panimula.
Layunin ng programang ito na matulungan ang pamilya ng mga child laborer upang sila ay makapagsimula ng sariling pangkabuhayan at mapabuti ang kalagayan o estado ng kanilang pamumuhay, at higit sa lahat ay upang sila ay malayang maging bata – malayang makapaglaro at magkapag-aral.
Sa pangunguna ng inyong lingkod kaisa sina Vice Mayor Bobby Montehermoso at ang Sangguniang Panlungsod asahan nyo po ang aming patuloy na pagsuporta sa mga programang naglalayong maproteksyunan at maisulong ang karapatan ng bawat mamamayang Treceรฑo higit lalo ang ating mga kabataan na nagsisilibing pag-asa sa ating bayan.Maraming salamat po, DOLE IV-A. Be blessed, Be a blessing!Bagong Trece,Puso ng Cavite,Lungsod ng Pag Asa!(MAYOR GEMMA LUBIGAN FB PAGE)