Nasa mahigit 92k halaga ng cash
ang natangay sa convenience store matapos holdapin ng di nakilalang mga suspek sa
General Mariano Alvarez (GMA).
Sa follow up operation na ginawa ng GMA
PNP nasa kustodiya na
nila ang isa sa suspek
na naaresto umano sa
isang hotel sa Sta Rosa
Laguna bagama’t hindi pa ito pinangalanan,
habang nagsasagawa pa
rin ng manhunt operation sa isa pang suspek
at sa motorsiklo na ginamit sa pagtakas.
Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang naganap ang insidente
sa Alfamart Store na
matatagpuan sa Congressional Road, San Gabriel, GMA, Cavite.
Base sa salaysay ni
Herbert Webber y Porlucas, 29, Store Leader
at Vincent Neil Parone,
21, Auxiliary Staff kay
PSSG Master Jonarey
Visca ng GMA MPS pumasok ang mga suspek
at isa sa kanila ang nakasuot ng blue t-shirt,
kulot ang buhok , may
taas na 5’1 hanggang 5’3
habang ang isa ay nakasuot ng tribal t-shirt,
itim na jacket, may taas
na 5’6, katamtaman ang
pangangatawan at nakasumbrero ng kulay itim
at nagpanggap na mga
customer .
Nang nakapasok,
naglabas ng baril, nagdeklara ng holdap at puwersahang tinangay ang
P92,000 laman ng vault.
Matapos ang tangayin ang pera ay kaagad
na sumakay ang dalawa
sa kulay green na motorsiklo at tuluya