Bacoor City Hall Main Lobby, Nobyembre 13, 2025 – Sa pangunguna ni Mayor Strike B. Revilla, kasama sina Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola at mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod, ipinamahagi ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang tulong pinansyal sa mahigit 500 na Bacooreño ngayong araw.
Dumalo sa pamamahagi sina Mayor Strike B. Revilla, Vice Mayor Rowena Bautista Mendiola, at BM Alde Pagulayan, na nagbigay ng suporta sa mga benepisyaryo.
Ang tulong pinansyal na ito ay bahagi ng regular na Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng lungsod, na naglalayong tulungan ang mga residente ng Bacoor na nangangailangan, lalo na para sa gamot, dialysis, ospital, at iba pang krisis. Bukod sa tulong pinansyal, nagbibigay din ang lungsod ng Guarantee Letter para sa ospital at funeral expenses. Inaasahan na ang ikalawang batch ng pamamahagi ay magaganap din ngayong hapon.
