Sa kauna-unahan pong pagkakataon, mayroon na tayong institutionalized scholarship program sa Calamba – ang Iskolar ni Rizal. At bilang pagkilala sa di matatawarang kontribusyon ng sektor ng agrikultura, ang unang batch po na nakatanggap ng benepisyo ay mula sa AGRISKOLAR NI RIZAL na mga mag-aaral na ang piniling kurso sa kolehiyo ay may kaugnayan sa Agrikultura.
Layon po ng programang ito na mapalakas ang agrikultura ng ating lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga mag-aaral na gaya nila na nagpapakadalubhasa sa larangan ng agrikultura kung saan sa mga taon ng pag-aaral nila sa kolehiyo ay tatanggap ng Educational Assistance.
Sa ngalan po ng bawat CalambeΓ±o, nais kong magpasalamat sa mga kabataang ito for choosing a profession and vocation that feeds us and secures our brighter future. Congratulations!(MARRA VILLEGAS)
