Lalong magyayabong ang indutriya ng agrikultura sa lungsod
ng Dasmariñas, sa tulong ng dalawang (2)
FITS Kiosk na itinayo
dito noong Miyerkules,
Setyembre 13.
Pormal na iniabot
nina Department of Agriculture – Agriculture
Training Institute (DAATI) IV-A OIC-Assistance Center Director,
Sherylou Alfaro at Information Services Section
Chief, Maridelle Jaurigue sa pamahalaang
lungsod ang mga ICT
equipment at supplies
na gagamitin sa mga
FITS Kiosk.
Itatayo ang mga
ito sa Dasmariñas City
Economic Building at
Paliparan II Integrated High School bilang
bahagi ng patuloy ng
pagsusumikap ng kagawaran na mailapit sa
mga komunidad ang teknolohiya at kaalaman
ukol sa agri-fishery. (PICA-Cavite)