9 NA TAONG GULANG NABATA NASAGASAAN, PATAY

Isang 9-na anyos na b a t a n g I babae ang namatay makaaraang magulungan ng isang Sport Utility Vehicle (SUV) sa kahabaan ng De Ocampo, Trece Martinez City, Cavite. Kinilala ang driver ng Nissan Terra na may plakanag NEH 697 na si Yama Lin, Taiwanese National ng Luchu Industrial Estate Brgy Daang Amaya 1, Tanza, Cavite Batay sa report ni PSSG Bryan Jay Comia ng Trece Martinez City CPS, minamaneho ni Lin ang kanyang Nissan Terra habang binabagtas ang kalsada sa kahabaan ng Brgy De Ocampo, Trece Martires City ng pagsapit sa pinangyarihan ng insidente ng nagulungan nito ang biktima na noon ay nakaupo sa gilid ng kalsada sa harapan ng Trece Martires Farm. Depensa ng suspek na hindi niya nakita na may nakaupong bata sa gilid ng kalsada. Nasa kustodiya ngayon ng Trece Martinez City Police ang driver na nakasagasa sa bata.(MARGIEBAUTISTA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *