Nagpatupad ng 60 araw na price freeze ang Department of Trade and Industry (DTI) para sa lahat ng pangunahing bilihin sa lalawigan ng Cavite.
Ayon sa DTI, kabilang sa mga produktong sakop ng price freeze ang mga basic commodity tulad ng de latang sardinas, locally manufactured instant noodles, bottled water, tinapay, processed milk, kape, kandila, kendi, sabong panlaba, at asin.
Matatandaang sa bisa ng Resolution No. 2369-2023, isinailalim ang buong lalawigan sa State of Calamity dahil sa pinasalang dulot ng bagyong Egay. | via DTI Consumer Care