5 TULAK NG DROGA NAARESTO

Nasa mahigit sa P 1 0 0 K halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat sa 5 kalalakihan na umanoy TULAK ng Droga at nasa listahan ng Street Level Individual (SLI) sa isinagawang buy bust operation sa Brgy Molino 4, Daang Hari Bacoor City, Cavite. Ayon sa nakalap na report, Kinilala ang mga nadakip na sina .Rolando Galon, alias Lando;Noli Navarro;. Earl Joseph Flores; Ciony Cervantes; at Kimberly Sapanghila, parang nasa listahan ng SLI at residente sa nasabing lugar. Batay sa ulat ni PCpl Jerome Acid ng Bacoor CPS, dakong alas-12:08 ng madaling araw nang nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Bacoor CPS sa Daang Hari Road, Brgy Molino 4, Bacoor City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. Narekober mula sa mga ito ang tinatayang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P102,000.00; buy bust money, cellular phone at isang Hyundai Accent. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec 5, 26 at 11 Art II ng RA 9165 ang mga suspek (.MARGIE BAUTISTA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *