Isang apat na taong gulang na bata ang I hinihinalsang nalunod, makaaraang mahulog sa Isang hukay na may tubig sa ginagawang covered court sa Brgy Hugo Perez, Trece. Martinez City, Cavite Sa ulat mula sa pulisya, nakilala ang biktima Peter Cobol Formon nakatira sa Gawad kalinga, sa nasabing lungsod. Sa ginawang imbestigasyon ni ulat PSSG Larz Salem Celestino ng Trece Martires CPS nauna dito ay nagtungo umano ang biktima atisa pang menor de edad na kaibigan nito sa covered court na nasabing lugar nakasalukuyang ginagawa at doon naglalaro. Napag alaman na ,Dakong alas-4:00 na ng hapon nang natuklasan ni Joenard Aquino Peñascosas ang atawan ng biktima sa ilalim ng isang hukay na may laman na tubig na hindi na humihinga. Naisugod pa sa Gen Emilio Aguinaldo ang batang biktima subalit ipatay na ito ng idating doon sa nasabing pagamutan. Pinaniniwalaang nahulog ang bata sa hukay na may laman na tubig habang naglalaro ang mga ito at hindi na ito hanggang sa hindi na ito nakaahon. Nagsasagawa parin ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang alamin kung may naganap ng foul play sa naganap sa pagkamatay ng biktima.(MARGIE BAUTISTA)