Tatlong katao ang nasawi kabilang na
ang isang guwardiya at municipal
employee sa magkakahiwalay na aksidenteng
naganap sa lalawigan
nitong nagdaang Linggo,
Agosto 13.
Patay ang security guard na si Renante
Dela Pena Dagar, 45,
residente ng Brgy. Paliparan 3, DasmariΓ±as
City, matapos sumalpok
ang minamanehong motor sa kasalubong na
sasakyan bandang alas12:57 ng madaling araw
noong Linggo. Ayon sa
ulat, sinakop umano
ni Dagar ang kabilang
lane ng kalsada matapos
itong mag-counter flow
na siyang naging dahilan
ng pagbangga nito sa paparating na saaakyan.
Samantala, nasawi
naman ang isang senior
citizen habang papatawid sa kahabaan ng General Evangelista Road,
Brgy. Talaba 1 sa Bacoor
City bandang alas-5:30
ng madaling araw noon
ding Linggo matapos
itong masagasaan ng dalawang motorsiklo.
Sa ulat, sinasabing
papatawid noon ang
biktimang kinilala bilang si Cauro Cuevas, 65,
nang mahagip ito ng motosiklong minamaneho
ni Luciano Odviar.
Matapos ito, isang
motorsiklo pa muli ang
nakabangga kay Cuevas
na siyang naging dahilan
ng tuluyan nitong pagkamatay. Dead-on-arrival sa pagamutan sa GMA,
Cavite ang municipal
employee na si Alberto Revilla Ricohermoso
matapos sumalpok ang
minamaneho nitong
motorsiklo sa center island na bahagi ng Congressional Road sa Brgy.
Pulido sa GMA bandang
alas-3:48 ng hapon.
Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang biktima sa
kabilang kalsada at
pagkatapos ay nagulungan ito ng paparating na
sasakyan.
3 KATAO, PATAY SA MAGKAHIWALAYNA AKSIDENTE SA CAVITE
