Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-51 Nutrition Month, iniimbitahan ko po kayong suportahan ang isinasagawang Poster Making Contest na may temang:
โFood at Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!โ
Ito ay inisyatibo ng City Nutrition Committee sa pangunguna ng Nutrition Service Division, katuwang ang Office of the City Youth Development Officer, Sangguniang Kabataan Federation, City Council for the Protection of Children, Gender and Development (GAD) Office, DepEd-Cavite Trece Martires City Districts 1 at 2, at WalterMart Trece Martires.
Layunin po natin na mahikayat ang ating mga kabataan na ipahayag ang kahalagahan ng food at nutrition security bilang karapatan ng bawat Treceรฑo gamit ang kanilang malikhaing sining upang maisulong ang adbokasiyang ito.
Nilahukan po ang patimpalak na ito ng 16 na Public Elementary Schools at 12 youth participants mula sa ibaโt ibang barangay ng Trece Martires City.
Kaya tara naโt bisitahin at suportahan po natin ang mga likhang sining ng ating mga kabataang Treceรฑo!
Matatagpuan ang exhibit sa 2nd Floor Activity Center ng WalterMart Trece Martires at bukas po ito mula Hulyo 28 hanggang 31, 2025
Maraming salamat po at mabuhay ang mga kabataang Treceรฑo!
Be blessed,
Be a blessing!
Bagong Trece,
Puso ng Cavite,
Lungsod ng Pag-asa!
MGBL
