2023 HOMEOWNERS ASSOCIATION OF BACOOR CONGRESS DINALUHAN NI MAYOR STRIKE B. REVILLA

Tinatayang aabot ng higit 1,100 ang lumahok sa 2023 Homeowners Association of Bacoor Congress na inorganisa ng Bacoor Homeowner Association Council Inc. (BHOACI) sa pangunguna ni Pres. Guia Oller.

Hindi pinalampas ni Mayor Strike B. Revilla na makasama ang mga HOA Officers and Board Members na galing sa ibat-ibang subdivision sa Lungsod ng Bacoor.

Layunin ng programang ito na maging bukas ang lahat ng mga naninirahan sa mga subdivision na mayroong mga Ordinansa, Batas na dapat sundin para maging ligtas at maayos ang mga subdivision sa Lungsod ng Bacoor. Layon din ng programa na maging kaisa ang mga HOA Officers/Board Members na maging katuwang ng City of Bacoor para sa pag-implement ng mga ordinansa at batas na makakatulong rin para mas maging maayos at maging maganda ang bawat subdivision sa Lungsod.

Pinaalalahanan ni Mayor Strike B. Revilla ang lahat ng mga subdivision sa Lungsod ng Bacoor na sumunod sa mga ordinansa at batas na ipinapatupad ng Pamahalaang Lungsod.

We Strike As One, Dahil sa Bacoor at Home tayo Dito!(City Government of Bacoor)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *