2023-2024 PansirkitongAsamblea ng mgaSaksi ni Jehova

Novaliches Quezon City – Magdaraos ang mga Saksi ni Jehova
ng kanilang Pansirkitong Asamblea sa Disyembre 16, 2023 na
may temang: Pumasok Kayo sa Kapahingahan ng Diyos! – Hebreo 4:11. Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa nasabing pagtitipon.
Gaganapin ito sa Metro Manila Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses,
1140 Quirino Highway, Barangay Kaligayahan, Novaliches, Quezon City. Magsisimula ang sesyon sa ganap na alas-9:40 ng umaga at magtatapos ng 3:55
ng hapon.
Ihaharap ang mga paalaala mula sa Bibliya upang masagot ang ilan sa
mga tanong tulad ng sumusunod: Paano tayo makakapasok sa kapahingahan
ng Diyos? Bakit dapat nating patuloy na hanapin ang mga tagubilin ni Jehova? At Paano tayo magiging masaya sa paglilingkod kay Jehova?
Mayroon ding pahayag ukol sa Bautismo, at pagkatapos ay susundan ito
ng bautismo sa tubig ng mga bagong miyembro.
Libre ang lahat ng programa at walang koleksiyon.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa asamblea, puntahan ang
website na www.jw.org/tl.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *