2 SUSPEK SA PAGPATAY SA TRAFFIC ENFORCER, SUMUKO NA

Nasa  kustodiya na ng Cavite PNP ang dalawang suspek sa pagpatay sa isang Traffic Enforcer matapos sumuko sa Tanza, Cavite.

Iniharap Kay Cavite Governor Jonvic Remulla ang suspek na si Joseph Llagas, ng St John Subdivision Brgy Biga, Tanza, Cavite at Aries carlos ng Brgy Biga, tanza, Cavite.

Dakong alas 10:00 ng Umaga  ng dalhin sa Kapitolyo ng Cavite ang dalawang suspek sa pagpatay kay William Mentes Quiambao, makaraan ang pagbaril at pagpatay sa biktima noong nkaaraang .May 28,  linggo Dakong alas 5:00 ng hapon sa harapan ng SM Tanza sa Barangay Daang Amaya 2, Tanza, Cavite.

Nabatid na ang dalawang suspek ay boluntaryong sumuko kay tanza Vice Mayor Archangelo “SM” Matro at Brgy Capt Cindy Arguson ng Brgy Amaya 2, Tanza, Cavite.

Sa ulat ni PSSg Joycell Javier ng Tanza Police Station, nag-ugat ang insidente nang sitahin ng biktima ang suspek dahil sa tila nakainom habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo na Yamaha Mio 125.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek kasama si Carlos pero iniwan ang ginamit na motorsiklo sa Brgy Casanueva, Brgy Biga Tanza, Cavite.

Hanggang sa nag alok ang Local Goverment Unit (LGU ) ang Tanza, Cavite ng halagang  P100K na pabuya  para sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ng dalawang suspek.(MARGIE BAUTISTA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *