Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group
(CIDG) nitong nagdaang
Miyerkules ng umaga ang dalawang pulis
Cavite at isang sibilyan
na umano’y sangkot sa
pangongotong sa mga
transport groups sa
lungsod ng Bacoor.
Base sa pagsisiyasat ng CIDG, aabot umano sa kabuuang ₱1.5M
payola kada buwan ang
natatanggap ng mga ‘kotong cops’ mula sa iba’t
ibang transport groups.
Knilala ni PNP chief
Police General Benjamin
Acorda Jr., ang mga suspek na sina Police Senior
Master Sergeant Joselito
Bugay, Police Staff Sergeant Dave Gregor Bautista at John Louie de
Leon.
Samantala, ipinagutos din ni Acorda ang
pagsibak sa hepe ng Bacoor City Police Station
dahil sa sinasabing command responsibility.
Ang mga ‘kotong
cops’ at ang kasabwat
na sibilyan ay kasalukuyang nasa kostudiya
na ng mga awtoridad at
mahaharap sa mga kasong robbery/extortion,
illegal possession of firearms at paglabag sa omnibus election cod