Dalawang non-commissioned police officers at isang kasabwat
nito ang hinuli ng mga
awtoridad sa Cavite
matapos diumano
mangikil ng P1.5 million mula sa iba’t ibang
transport groups.
Ayon sa Criminal
Investigation and Detection Group (CIDG),
kinilala ang mga suspek
na sina Senior Master
Sergeant Joselito Bugay
at Staff Sergeant Dave
Gregor na pawang pulis
ng Bacoor City Police
Station; kasama nila
ang kasabwat na kolektor na si John Louie De
Leon.
Hinuli ng mga operatiba ng CIDG ang tatlo
sa isang gas station sa
Molino Road matapos
mangyari ang isang entrapment operation na
bunga ng iba’t ibang
complaints mula sa mga
transport groups na kinokolektahan ng grupo.
Ayon kay Philippine
National Police (PNP)
chief Gen. Benjamin
Acorda Jr., “These individuals stand accused
of collecting monthly
payments known as
“payola” from tricycle
operators, driver associations, and other transport groups; it is estimated that the amount
collected is around P1.5
million per month with
an average of 130,000
per transport group.”
Simula Pebrero
pa lang ng taong ito,
nangingikil na ang mga
suspek ng protection
money sa mga transport
groups upang makatakas sila sa mga traffic violations.
Sa kagustuhan ni
Bugay na taasan ang
payola ng mga grupo mula P130,000
hanggang P170,000,
nagreklamo na ang mga
transport groups dahil
hindi na nila mabayaran
ang mga pulis kung
kaya’t dumulog sila sa
tanggapan ng PNP chief.
(GOCAVITE