2 drug trafficker, nahulihan ngP1.7-M halaga ng droga sa buy-bus

Inaresto ng anti-narcotics operatives ng Cavite police ang dalawang “high value “
drug traffickers sa Silang
Cavite matapos mahulihan ng
higit sa P1.7 milyon na halaga
ng shabu.
Kinilala ng Region IV-A
police ang mga kawatan bilang
sina alias “Joshua” at “Susan”
na parehas nahuli matapos
magbenta sa isang undercover
police sa Brgy. Munting Ilog sa
mismong bayan nitong umaga
ng Martes, November 7, 2023.
Kumpiskado ng mga operatiba ang 255 gramong shabu
na may halagang P1,725,000
ayon sa Dangerous Drugs
Board—kasama rin ang mobile
phone ng suspek na isasailalim
sa forensic examinations at
isang motorsiklo na gamit ng
mga suspek sa drug trade.
Haharap sa kasong
paglabag sa Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002
ang dalawang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *