Sugatan ang dalawang
babae matapos salpukin
ng ambulansya habang
tumatawid sa Barangay
Punta Uno sa bayan ng
Tanza nitong Lunes ng
gabi, Setyembre 25.
Nahuli-cam ng
CCTV ang naganap na
insidente kung saan
makikita ang 4 na babae
habang naghihintay na
makatawid ng kalsada
bandang alas-10:00 ng
gabi.
Naunang nakatawid
ang isa habang sumunod naman ang tatlo pa
ngunit nahagip at nasalpok ng paparating na
ambulansya ang dalawa
sa mga ito.
Napag-alamang ang
nasabing ambulansya ay
pagmamay-ari ng Rosario LGU.
Ayon sa mga opisyal
ng Barangay Punta Uno,
pabalik na sana sa Rosario ang ambulansya
matapos maghatid ng
pasyente sa Trece Martires.
Ang nasabing ambulansya na rin ang nagdala sa dalawang biktima
sa pagamutan matapos
magtamo ng minor injuries.
Ayon sa Tanza MPS,
nagka-areglo na ang
driver ng ambulansya at
ang dalawang biktima.
Sasagutin din umano ng driver ang lahat ng
gastusin ng mga biktima.
(GOCAVITE)
