HAWAK ngayon ng Cavite police ang dalawa nilang kabaro makaraang ireklamo ng isang 18-anyos na babae sa pangmomolestiya sa Imus City, Cavite Miyerkules ng madaling araw.
Kinilala ang mga suspek na si PCpl l Bryan Santiago Balajay at PMSgt Rey Mendoza Pogoso, kapwa naka assigned s a Police Community Precinct 1, Imus City, Cavite dahil sa reklamo ng isang 18-anyos na Grade 12 student ng Bacoor City, Cavite
Base Sa report dakong alas-3:30 kahapon ng madaling araw nang naganap ang insidente sa isang apartment sa Bahayang Pag- Asa Ph 6, Molino V, Bacoor City, Cavite kung saan nauna dito ay nag-iinuman ang biktima kasama ang kanyang live-in partner, isa pang lalaki ang dalawang pulis.
Makaraan ang ilang oras, nagpahinga na ang biktima at umakyat sa kanyang kuwarto perong dakong alas-3:30 ng madaling araw nang naalimpungatan ito nang nakitang ipinapasok ang ari ni Balajay sa bunganga nito habang hawak naman ni Pogoso ang kanang kamay nito.
Ayon sa salaysay ng biktima na sinabi nito na “papayag ako sa gusto niyo huwag niyo lang pigilan ang kamay ko” na naging hudyat ng kanyang paghulagpos at humingi ng tulong sa kanyang mga kaibigan at nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek. May posibilidad na mtangggal sa serbisyo ang dalawang pulis (MARGIE BUTISTA)