Ayon sa PRIME Infrastructure Capital Inc. (Prime Infra), magiging operational na sa katapusan ng taon ang 140-MW solar power plants na tinatayo ng kumpanya sa Tanauan, Batangas at Maragondon, Cavite.
Magkakaroon ng 202 gigawatt-hour generation capacity, sa madaling salita ay may kakayahan itong magbigay ng kuryente sa 84,000 na tahanan sa parehas na lugar habang binabawasan ng 100,000 tons ang mga uling na ginagamit sa mga pabrika ng kuryente.
Nakatuon ang proyekto sa pagbibigay ng sustainable renewable energy source para sa mga pamilya ng Tanauan at Maragondon na magiging maganda rin sa kalagayan ng kalikasan.(go cavite)
