Sa ating mga kaagapay sa paglilingkod na tumutulong sa pagpapanatili ng magandang kalusugan sa ating mga
barangay, tanggapin po ninyo ang tulong pinansyal na ito mula sa aking pakikipagtulungan sa Department of Social
Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Ang inyo pong lingkod ay patuloy na nagpapanatili ng bukas na ugnayan sa DSWD at iba pang mga ahensya ng
gobyerno upang makahanap ng mga paraan at mapagkukunan ng pondo para sa ating distrito.